Thursday, October 15, 2009
October 15, 2009

Ling, sinong spy sa picture na 'to???
Photobucket
Ten years ago, V. Suico asked me kung kami na daw ba ni Frank.
Sagot ko, "Kami na, pero di pa nya alam."




Dear Frank,

Hindi na tayo but I'm happy were still "friends". Na-aappreciate ko ang mga hirit mong related sa kurimi dahil alam kong sakin lang yon at hindi ka makaka-hirit ng ganun sa ibang tao. Pwera na lang kung nabago ka ng pa-banda-banda at pa-meeting-meeting nyo. Pero malabo yon, sabi mo nga old habits die hard at pinalaki kang matino ng mga magulang mo. So, I'm having no doubts na hindi ka namimick-up. If you know what I mean. :)

10 years na sana yesterday. Pero hindi ko pa rin masasabing I regret na nagkahiwalay tayo. Alam ko kasing ma-i-ispoil lang tayo parehas kung nag stay tayo together nung mid 2006. Hindi ka na maka-ramdam ng buhay dahil sa demands ko at ako naman on the other side eh nagiging super self-centered na. AsxCa for the past 3 years, salamat naman sa Dios at hindi tayo napariwara. Salamat sa Dios walang nag-suicide satin. Ikaw, nung pinagpalit kita sa iba. Ako, nung iniwan mo. Salamat sa Dios at narealize natin, na ang lahat ng mga nangyari eh para lang sa ikabubuti ng isa't-isa. Salamat sa Dios at nakikita kong naeenjoy mo ang buhay na hinahanap mo. Salamat sa Dios at hindi na ako galit. Salamat sa Dios, masasabi nating we're as brand as new. Salamat sa Dios we are better individuals.

Ngayon, "friends" tayo at laging naguusap.
Hindi ko alam kung hanggang kelan.
Pero wala naman akong magagawa but to enjoy this as long as it lasts.
Ganun ka rin ba?

I have high hopes na unsearchable ang blogdrive not uless i-type mo ang unique kong user-name sa google search. Ewan, you have your ways. Pero, yun nga, I have high hopes na hindi mo ito mababasa.

I still care for you and I know you still care for me. And if ever, wala ka nang nararmdamang love para saken, ok lang. At least hindi ka pa taken! =P at pwede pa kita kausap-kausapin. Pero pramis, pag nagka girlfriend ka na, mahihiya nakong makipag-usap sayo. That's why tinanong ko muna yon before tayo mag start mag usap nung June 2009. Pag may confirmation na meron ka na ngang girlfriend, that would be the time to finally let you go para mag-move on na at pagbibigyan naman ang taong nagpapahalaga saken, ang Top 1 sa waiting list ko. At pag nangyari yon, malamang ako na ang ma-te-taken. Forever.


Still loving you in vain,

La sucre qui sucre votre café.



Posted at 07:30 pm by ajc4783
Make a comment  




Wednesday, October 07, 2009
Buloy

Me (9:09:31 AM): sis t1sh... :)
sIs t1sh (9:09:43 AM): helow po!!
sIs t1sh (9:09:49 AM): kamusta?
Me (9:10:05 AM): hapi pbk po, parang nakita ko si br roel sa monitor non eh.
Me (9:10:14 AM): sa oliv lang po ako dumalo
sIs t1sh (9:10:36 AM): ows, nakita mo?
Me (9:10:57 AM): uu, parang lang, kamukha nya pero walang eye glasses eh, nag papaypay.
sIs t1sh (9:11:06 AM): hapi pbk!! saya saya noh!!!
sIs t1sh (9:11:15 AM): hehehe...
Me (9:11:20 AM): ang saya nung wave, ang ganda nung tugtog habang nag wewave.
Me (9:11:22 AM): hehehe
sIs t1sh (9:11:40 AM): sa bleacher kami nakapwesto sa pinakataas
sIs t1sh (9:11:50 AM): oo nga eh
Me (9:11:54 AM): tapos ang ganda ng paksa, pinaka nagustuhan ko dun yung last na tinalakay.
sIs t1sh (9:11:56 AM): walang katapusang wave yub
sIs t1sh (9:11:58 AM): yun
sIs t1sh (9:12:05 AM): nag-wave din kayo dun?
Me (9:12:14 AM): yung pangakong hindi tinupad dahil sa kamangmangan
sIs t1sh (9:12:24 AM): oo nga galing noh
sIs t1sh (9:12:29 AM): nakakaiyak din
Me (9:13:11 AM): 4 years na ko sa awa't tulong ng Dios pero dun sa paksang yon ko lang talaga na appreciate at narealize kung gaano kalaki ang pag ibig ng Dios sa mga tao.
Me (9:13:14 AM): grabe.
Me (9:13:42 AM): kung naintindihan yon ng kapatid, walang reason para umabsent eh.
sIs t1sh (9:14:21 AM): oo nga eh, at mas lalong walang reason para umuko at mapagod
Me (9:14:28 AM): tiniis ng Dios ang sakit tapos nasabi pa nyang nalulugod sya nung binubugbog ang panginoong Hesukristo...
sIs t1sh (9:14:32 AM): sumuko
sIs t1sh (9:14:50 AM): GRABE TALAGA!!!
sIs t1sh (9:14:58 AM): sarap sarp ng mga paksa
sIs t1sh (9:15:11 AM): nakakabusog sa puso at isip
Me (9:15:22 AM): wala syang pinabayaang matuwid na tao pero yung bugtong nyang anak na super matuwid, tiniis nya, pinabayaan nyang mamatay kahit walang kasalanan.
sIs t1sh (9:16:05 AM): sana lang alam ng lahat ng tao yun lalo na yung mga di kumikilala sa Dios
Me (9:16:10 AM): eh kung tutuusin sis hindi naman nya kaailangang magtiis ng ganun eh, wala naman tayong magagawa para sa Dios, hindi nga nya kailangang tumira sa bahay na gawa ng kamay ng tao...
sIs t1sh (9:16:17 AM): nakakalungkot isipin di nila alam yun
sIs t1sh (9:16:32 AM): napakapalad natin alam natin yung mga bagay na yun
Me (9:16:41 AM): basta sis, kitang kita natin yung pag ibig ng Dios no. salamat sa Dios naintindihan natin.
sIs t1sh (9:17:12 AM): Salamat sa Dios sa Kanya kaloob na di masayod!!!
Me (9:18:33 AM): alam mo ba pag naaalala ko yung karunungan tinuro sa paksang yon sis, parang ang swerte swerte ko, parang kinakabahan na muntik na kong hindi makasali, muntik na kong hindi makasama, pano kaya kung hindi ko nahanap yung bayan dios, ang swerte natin kasi kinaawaan nya tayo, serte natin kasi tinawag nya tayo.
Me (9:18:46 AM): oo! yan sis yon, kasi ang puro ako "parang"
Me (9:19:01 AM): salamat sa kaloob ng Dios na di masayod.
Me (9:19:10 AM): musta ka na?
sIs t1sh (9:20:23 AM): oo nga sis! salamat sa Dios lang masasabi natin at yun lang maibabayad natin pasalamatan at purihin sya
sIs t1sh (9:20:30 AM): ok lang naman po sis
sIs t1sh (9:20:41 AM): nasa ofis po ako ngayon
sIs t1sh (9:20:48 AM): ikaw sis, kamusta?
Me (9:21:53 AM): dito po ako sa bahay
sIs t1sh (9:22:26 AM): wala kang pasok? or later pa?
Me (9:22:36 AM): kahapon pala sis, galing ako hospital, may dinalaw lang. nakagawa nga ako ng kasalanan sa Dios kahapon eh.
Me (9:22:45 AM): thurs night pa pasok ko
Me (9:23:26 AM): humingi agad ako ng tawad sa Dios kasi nagawa ko lang naman yon dahil hindi ko alama ang totoong nangyari.
Me (9:23:53 AM): Hindi naman to serious na tipong nakainom o naka kain ng hain sa diosdiosan o gawang panlaman ah.
Me (9:23:59 AM): ganito kasi yon.
Me (9:24:34 AM): yung opismate namin, na ka-batch ko ng training sa Citi, 3 taon na kami magkaka kilala at magkaka ibigan, eh sinugod sa hospital.
sIs t1sh (9:24:37 AM): ano yun?
Me (9:24:41 AM): yung opismate namin, na ka-batch ko ng training sa Citi, 3 taon na kami magkaka kilala at magkaka ibigan, eh sinugod sa hospital.
sIs t1sh (9:24:54 AM): tapos
sIs t1sh (9:25:17 AM): tapos po?
Me (9:25:19 AM): walang makapag sabi kung bakit sya sinugod. ang pangalan nung opis mate ay rene Isip.
Me (9:27:00 AM): si rene, dalawang beses na yung na promote, naipadala na rin sya ng company namin para mag schooling sa states, kakauwi nga lang nya nung Sept 22, sa condominium sya nakatira. strong ang personality nya at alam nya yung tama at mali when it comes to work ethics and social relations.
sIs t1sh (9:28:09 AM): tapos po? ano po yung nagawa mo?
Me (9:28:15 AM): nung monday ng gai, may presscon sa opis para lang sa mga officers (hindi sinali ang mga agents, siguro para hindi magkaroon ng commotion, ewan) sabi sa presscon,
Me (9:29:35 AM): "This morning, rene was rushed to makati med. inoperahan sya, nasa ICU sya ngayon, naka mechanical respirator na lang. his family is considerin unplugging the life support. in 48 hours rene will be pressumed dead."
Me (9:30:10 AM): ito na yung nagawa sis, comment lang naman, magkausap kami ung isang opis mate, sabi ko.
Me (9:32:04 AM): "Dyan mo makikita kung gaano kamakapangyarihan ang Dios. Regardless kung maganda ang trabaho mo... kung naipadala ka na sa states... kung sa condominium ka nakatira. Pag sinabi ng Dios na... *hindi ko sinabi, pero i was implying pag sinabi ng dios na binabawi ko na ang hiram na buhay mo* wala kang magagawa."
Me (9:32:59 AM): tapos, nung dinalaw namin sa makati med kahapon sis, nalaman laman namin na nag-suicide pala ang gago.
sIs t1sh (9:33:38 AM): ganun? ok lang naman yung comment mo totoo naman yun
sIs t1sh (9:33:53 AM): kamusta na sya ngayon?
sIs t1sh (9:34:00 AM): bakit nagpakamatay?
Me (9:34:35 AM): so humingi agad ako ng tawad, nasabi kong pag ginusto ng Dios na bawiin ang buhay mo... Eh hindi pala Dios ang may gusto nun, yung taong yon ang mismong gusto mag end ng buhay nya! so yun. parang na-conclude ko kaagad nung umpisa na Dios ang may gusto pero ang totoo, hindi pala.
Me (9:35:41 AM): hindi ko ba napagbintangan ang Dios non?
sIs t1sh (9:35:58 AM): alam mo sis
Me (9:36:00 AM): pero result naman yun ng hindi ko pag ka alam ng tuna na pangyayari eh.
sIs t1sh (9:36:06 AM): tama pa rin naman sinabi mo
sIs t1sh (9:36:31 AM): pero tama din yun walang ni isa man sa atin ang dapat bumawi ng buhay
sIs t1sh (9:37:16 AM): pero alam mo kahit na magpakamatay pa sya kung di talag niloob di sya mamamatay
Me (9:37:37 AM): tama naman po talaga yong sinabi ko, pero kasi, I was pertaining po kasi kay rene. kaya nung nalaman kong suwi sayd, nagsorry ako agad, parang naguilty ako.
sIs t1sh (9:38:04 AM): tingin ko naman wala kang nagawang mali
sIs t1sh (9:38:10 AM): totoo naman kasi yun
Me (9:38:16 AM): :)
sIs t1sh (9:38:19 AM): wala ka naman sinisisi dun
sIs t1sh (9:38:26 AM): nagsasabi ka lang ng totoo
Me (9:38:38 AM): ok, salamat sa Dios.
sIs t1sh (9:38:44 AM): pero maling mali ginawa nya dun
sIs t1sh (9:39:07 AM): san na sya ngayon?
Me (9:39:31 AM): oo sis, talagang nung nalaman ko, nagalit ako kay rene, grabe. hindi kasi nya personality yun. ang demonyo talaga pag pinasok ang tao nawawalan ng logic eh, nawawalan ng bait.
Me (9:39:41 AM): nas ICU parin sya.
Me (9:39:50 AM): alam mo kung pano sya nagpakamatay?
sIs t1sh (9:39:58 AM): alam may kapatid nga nung nakaraan na nagtangkang magpakamatay, nasuspend sya tapos pinatawad din ni ingkong
Me (9:40:41 AM): tama, kasi basta makitaan ni brod eli ng pagsisisi yung kaparid eh, nararamdaman nya kasi yon, nadidiwaan nya.
sIs t1sh (9:40:54 AM): nalift pala suspension nya
sIs t1sh (9:41:03 AM): oo nga
sIs t1sh (9:41:15 AM): pano nga pala sya nagpakamatay?
sIs t1sh (9:41:22 AM): yung ofismate mo?
Me (9:41:31 AM): uminom sya ng muriatic acid
Me (9:41:54 AM): pagbukas ng mga doktor sa katawan nya, sunog ang esophagus
Me (9:42:03 AM): pumutok ang stomach
sIs t1sh (9:42:09 AM): yak!!!
Me (9:42:10 AM): kulay itim ang mga organs
sIs t1sh (9:42:17 AM): gago talaga sya
sIs t1sh (9:42:23 AM): kadiri
Me (9:42:29 AM): umuusok pa nga ang digestive sytem nya habang inooperahan
Me (9:43:25 AM): nung kinukwento ng sister-in-law nya ang mga nangyari sa operating room, i was still under the impression na na stroke o kaya na heart attack si rene.
Me (9:44:14 AM): pero nung nabanggit na nung nagkukuwento na may "fog" sa xray, yung word na "itim", "sunog", "umuusok"
Me (9:44:36 AM): nagtaka ako, sabi ko, ate bakit umuusuok, ano ba nangyari sa kanya?
Me (9:44:58 AM): sagot nung ate, "muriatic acid"
sIs t1sh (9:45:00 AM): ganun! kakadiri naman yun
sIs t1sh (9:45:10 AM): bakit daw nya nagawa yun?
sIs t1sh (9:45:25 AM): babae ba sya?
Me (9:45:30 AM): follow up question ako, muriatic? bakit may muriatic? pinang fi first aid ba ang muriatic???
sIs t1sh (9:45:43 AM): hahaha...
Me (9:45:52 AM): hindi kasi ako makapaniwala, knowing him eh.
sIs t1sh (9:46:09 AM): ahhh, lalake
sIs t1sh (9:46:14 AM): baliw pala sya eh
Me (9:46:47 AM): hehe, oo nga, parang na-tanga ako. nung narealize ko nang suicide pala ang dahilan kung bakit sya sinugod sa hospital, nasabi ko na lang antanga ni rene, isip pa naman ang apelido nya di nya ginamit. gusto ko na nga umuwi nun eh.
sIs t1sh (9:47:39 AM): wala syang ISIP
Me (9:47:55 AM): totoo yan. kasi kung meron, sana ginamit nya.
sIs t1sh (9:47:56 AM): tanga tanga nya
sIs t1sh (9:48:15 AM): tapos ano dahilan? babae?
sIs t1sh (9:48:23 AM): tsk! tsk!
Me (9:48:40 AM): kitang kita na wala syang kapag-i pag-ibig sa Dios eh.
Me (9:48:59 AM): Pera, Casino, Babae.
sIs t1sh (9:49:30 AM): baliw talaga sya
sIs t1sh (9:49:53 AM): puro pansanlibutan
Me (9:49:57 AM): may nag react dun sa waitng area na baka naman may nagpainom sa kanya, baka murder ito.
Me (9:50:40 AM): sabi nung ate, may isang dakot na tableta sa bottom ng stomach nya, puro medicol, biogesi, bioflu, mga gamot.
Me (9:50:53 AM): sabi ko, ahhh... magpapakamatay talaga.
Me (9:51:53 AM): sa ICU, wala na syang lamang loob. nasunog ang atay, pancreas, wala na syang stomach, wala na syang small intestine, yung baga nya wala na rin.
Me (9:52:08 AM): artificial na stomach na lang para sa liquid food.
sIs t1sh (9:52:47 AM): kawawa na sya dito sa mundo kawawa pa sya sa kabilang buhay
Me (9:52:48 AM): plastic bag na karugtong ng mechanical respirator ang para sa lungs
Me (9:53:32 AM): kung alam ko lang na suicide, hindi na ko pupunta.
Me (9:55:27 AM): unang una lapastangan sya sa Dios. anlaking pagtitiis ng Dios para maligtas ang sanlibutan, tapos mag su suicide lang. anyabang nya.
Me (9:55:57 AM): pangalawa, hindi na nya naisip ang heart aches na idudulot nya sa family nya.
Me (9:57:01 AM): pangatlo, ang guilt na iiwan nya kay Jen (ex-gf). Na kung tutuusin naman eh hindi naman dapat i-blame dahil yung gagong yun ang lumaklak ng asido.
Me (9:58:06 AM): hindi rin nya naisip ang laki ng gastos kung sakaling pumalpak sya sa pagpapakamatay nya. 100K per day ang ICU nya with the respirator, medicine, specialists and all.
sIs t1sh (9:59:11 AM): grabe na sya!!
sIs t1sh (9:59:16 AM): gago talaga sya
Me (9:59:55 AM): antindi. aside from the heart aches, guilt, and utang na iiwanan nya sa mga buhay eh ifo-force pa nya ang family nya to finally end his life by unplugging the life support.
Me (10:01:32 AM): sabi kasi ng doktor, kung masurvive nya ang infection, forever naman syang kakain thru tubes at habang buhay rin syang naka respirator..
sIs t1sh (10:01:53 AM): kakaawa lang talaga sya kasi di na sya binigyan ng pagkakataon ng Dios na mabuhay
sIs t1sh (10:02:05 AM): kaya nga hopeless na talaga yun
sIs t1sh (10:02:27 AM): walang pakatawaran daw yung mga ganun eh
sIs t1sh (10:02:38 AM): di pa sya nakontento sa tableta
sIs t1sh (10:02:50 AM): talagang tinapos nya na
Me (10:03:41 AM): pero alam mo sis, pagpasok ko sa room nya sa ICU.
Me (10:04:16 AM): tinitingnan ko ang facial expression nya.
Me (10:04:37 AM): i didn't even a single ounce of remorse.
Me (10:05:56 AM): walang sign na nagsisisi sya at pinagtngkaan nya ang siriling buhay nya
Me (10:06:57 AM): mukha pa syang dismayado kasi hindi sya natuluyan at kelangan pa syang i-ICU at gastusan ng 300K+.
Me (10:07:34 AM): mukang dismayado pa sya na sana ibang means na lang ang ginawa nyang suicide attempt
sIs t1sh (10:08:17 AM): kaya nga dobleng attemp yu ha
Me (10:09:19 AM): yung bestfriend ko nung elementary, nagpakamatay din yun eh, nung 2006, nagbigti sya, iniwan kasi ng boypren nya. buntis.
Me (10:09:52 AM): yung fetus nasa garapon sa ibabaw ng kabaong.
sIs t1sh (10:09:56 AM): oo nga naalala ko yun
Me (10:10:22 AM): eh hindi naman pala sya iniwan nung boypren nya.
Me (10:10:49 AM): nakaka inis.
sIs t1sh (10:11:20 AM): nakakainis nga
Me (10:11:28 AM): may mga taong gumagastos ng milyon para lang mabuhay, tapos sila, maayos naman ang status sa lipunan, nagpapakamatay.
sIs t1sh (10:11:28 AM): dinamay pa yung baby
sIs t1sh (10:11:36 AM): sa bagay ligtas na yung baby
Me (10:12:11 AM): ligtas yung baby.
Me (10:13:25 AM): kagabi nung pauwi ako from hospital, iniisip ko yung sinabi ni brod eli eh, pag wala kang Dios mapapahamak ka eh.
Me (10:14:05 AM): wala silang pampalubag ng loob.
sIs t1sh (10:14:27 AM): tama
Me (10:15:28 AM): kawawa sila hindi nila nakilala ang Dios
Me (10:16:49 AM): kasi kung naturuan lang sila ng aral, magkakaroon sila ng pag asa eh, yung drive to go on, to not ever quit.
Me (10:17:02 AM): kasi may pag asa, may pangako.
sIs t1sh (10:17:18 AM): wala ring takot sa Dios gumagawa ng mga ganung bagay
sIs t1sh (10:17:25 AM): mga mangmang kasi
sIs t1sh (10:17:46 AM): kulang talaga sila sa aral
sIs t1sh (10:17:54 AM): kaya nga mapalad talaga tayo
Me (10:17:58 AM): kung naturuan sana sila ng pagka takot sa Dios.
Me (10:18:40 AM): mapalad talaga tayo sis. Salamat talaga sa Dios.
Me (10:19:23 AM): anyway, yun na yun sis, ang katangahan ng opismate kong si rene Isip.
sIs t1sh (10:20:37 AM): ang alamat ng katangahan
sIs t1sh (10:20:40 AM): hehehe...
Me (10:20:46 AM): starring
Me (10:21:03 AM): Mr. Isip



Posted at 08:45 pm by ajc4783
Make a comment  




Monday, October 05, 2009
Pasting just the last texts...




Time and again, there are these changes that we cannot end.
As sure as time keeps going on and on, my love for you will be


(`'ˇ.¸(`'ˇ.¸ ¸.ˇ'´)¸.ˇ'´)
´¨`ˇForevermoreˇ´¨`
(¸.ˇ'´(¸.ˇ'´ `'ˇ.¸)`'ˇ.¸)









Because my original draft ended painfully. :-(



Posted at 09:27 am by ajc4783
Make a comment  

Fresh from PBK

Hello,

Galing lang ako ng PBK 3rdQtr. Ang saya saya ko.
Nakita ko at naunawaan ng higit sa mga napag alaman ko sa loob ng 4 years ko sa loob ng Iglesia kung Gaano Kalaki ang Pag-ibig ng Dios sa mga taong totoong sumasampalataya sa Panginoong Hesukristo.

Hindi ko alam kung maitatranslate ko ang 26-pages kong notes sa apat na paksang tinalakay namin sa 3 araw na pagdaraos ng Pasalamat sa Dios ng Buong Kapatiran.

I am so overwhelmed dun sa mga karunungang natutunan namin. Grabe, ewan ko kung maitatransfer ko dito. Baka kasi ma-hack itong account ko or something. Blogdrive: Hindi searchable sa google at yahoo. Kaya minsan, pag wala akong makausap at may mga isipin ako, dito ko binubuhos. Kaya lang, paksang tinalakay sa Pasalamat sa Dios ang parang inaattempt kong itype dito. Parang nag aalangan tuloy ako. Diko alam kung bakit, siguro kasi baka pag may nakabasa, iba ang maging interpretasyon. Iba kasi talaga pag naririnig mo mula kay Brod Eli at Brod Daniel eh. In other words, pag tinype ko dito, baka mapagkamalian ko, o kaya, baka mapagkamalian ng mga makakabasa. Itataype ko na lang ang mga paksa. Pero parang ayoko rin. Pano ba. Sige itatayp ko na lang pero hindi ko ilalagay yung mga comment na sinulat ko sa notebook ko. Paksa at mga Bible verse lang ilalagay ko. Kung may magtatanong, eh, Itanong nyo na lang kay Soriano at Biblia ang sasagot! =P


<<----Paksa---->>



Itong PBK na ito, dito ko lang naisip at seryosong inisip, na, sa susunod na PBK isasamo ko na talaga ang mga mahal ko sa buhay. Marami kaming dapat ipagpasalamat sa Dios, itong taong 2009 na puno ng trials, itinawid kami ng Dios sa awa't tulong nya, kaya marapat lamang namin syang pasalamatan. Ibigay ang pagpapasalamat sa nararapat pagbigyan nito. Hindi katulad nung palabas sa Ch2,

"Magaling na 'ko! Magaling na 'ko! Pinagaling ako ni santo niņo!"

Pinagaling ng  Dios yung mamang lumpo, pero kanino sya nagpasalamat?

Ano kayang naramdaman ng totoong Dios na nagpagaling sa kanya?
Kaawa awang mga tao.

Kaya salamat talaga sa Dios at nakasumpong kaming magkakapatid ng katotohanang sinasabi sa Biblia. Masarap malamang tama ang pagpapasalamat na ginagawa namin at binibigay namin ang pagpapasalamat na yon sa karapat dapat na receiver.

Sana loobin ng Dios makasama ko ang mga mahal ko sa buhay kongregasyong sa Dios na nasa Biblia.

---------------
So, signing off muna ko.

Bukas, o kung kelan loobin, ilalagay ko ang apat na paksa at mga bible verse na sumuporta sa pag reresolve ng paksa.

Maglalagay din ako ng PBK Off-topic, meaning, mga naramdaman kong kagalakan nung umattend ako ng PBK. Kasi diba, for the past months, I have been the lost daughter of Rosario. Lagi akong sa Ayala at Cubao uma-attend ng mga pagkakatipon. Tapos, yung mga nakaraang PBK, sa Apalit ako lagi. Kaya ngayong dito ako sa Binan dumalo, eh marami akong mga off-topic related sa pagdalo ko nga dito s District 1, ano na-feel ko nung jamming, nung wave, nung breaks, mga pinapalabas na video habang break, mga pinapatugtog na songs ni brod daniel habang break, yung napanaginipan ko habang break, para makatipid, ano ba ginawa ko habang break, (puro ata break. shempre off-topic naman eh. Mula 7AM-11PM, may tatlong break in between lunch and dinner, so bale limang breaks yun lahat. yan kaya puro break ang off-topic). Ano pa bang off-topic... Nung kainan, nung kamustahan with the brethrens na ngayon rin lang ako nakita, yung about kay brod, yung about kay isa pang brod, yung about kay isang isa pang brod, mga librehan portion, mga nagtatanong where na raw si papa, yun sis na mom ni brod na ka-french. Mga off-topics.

At shempre, yung mga updates sa previous posts ko, kelangan ko na ring itayp.

Grabe natambakan na ko! Pero keri lang, may panahon para sa lahat ng mga bagay, naks, sitas uli! LOLS =))

Prepare na ko to sleep.

Bye for now!




isang araw lang - kuya daniel razon

Posted at 02:17 am by ajc4783
Make a comment  




Thursday, October 01, 2009
Ito muna!

(Updates on previous posts when I get back)

PBK namin bukas. =)

Excited na ko.

Dumalo ako ng Prayer Meeting + Worship Service kagabi sa Lokal n KVI sa Valero Tower. Binigyan nila ako dun ng lyrics ng Awit. Ang title ng paksa, "kung bakit hindi labag sa aral ng Dios ang pagkakaroon ng apat na Pagpapasalamat ng Buong Kapatran sa loob ng isang taon, ayon sa Biblia."

Teka...

Speechless na ko? Hindi ako maka-blog. Ka-chat ko kasi yung tatay ni baby magoo eh.
Hmmmm... Ang gusto ko lang sabihin, masaya ako, sa kabila ng mga sakuna, sa kabila ng pag-aalala sa mga mahal sa buhay, mga relatives at mga kapatid sa I.D. na nasalanta ng flashfloods. Kasi nga Roma 8:28. Katulad ng paniniwala kong, hanggat sumasampalataya kang umiibig ka sa Dios, lahat g ga nangyayari sa buhay buhay ay may pahintulot Nya. Sya ang makapangyarihan sa lahat. Kung kalooban nyang mangyari ang mga bagay-bagay, meron yung dahilan. Basta, ang Dios ay mabuti at ang kagandahang loob nya ay magpakailanman.

Kagabi, nanawagan ang pangasiwaan na kailangan ng mga manggagawa na may kakayahang magsalita ng ibang lengguwahe. Marunong kami mag-english. Alam na rin namin ang basic french. Yun na yung initial na plano namin ng ilang kapatid sa District 1. Pero nung binaggit ni Br Rodel (MIC) yung mga bansang nangangailangan ng Workers, natawag ang pansin ko nung binanggit nya ang Japan. Parang sa Japan ko ata gusto pumunta. Wala akong alam sa basics ng japanese language. Hmmmm... Basta bahala na ang Dios. Unang-una sa lahat, hindi pa nga ako decided sa Worker Worker na yan. Pero, nakaka ramdam ako ng pagtawag eh. Nire-resist ko lang. Gawa siguro ng financial needs ng family at ng aking so-called self-fulfillment. Basta, bahala na ang Dios. Kase, kahit anong delay ko naman, makapangyarihan sya sa lahat, at kung sya ang gagawa, sinong makakapigil?

-------
Nag error! buti na lang mabilis ako mag-isip kung pano mababalik! Kinabahan ako dun ah! Haba na nyan ah. Tsaka ang hirap mag-isip.

Sabi ko "si satanas talaga nasa tabi-tabi..." Nagtatalaga kasi ako, iniiwasan ko magalit, etc. Eh si satanas, pagala-gala, naninira ng pagtatalaga. Tinutukso akong magalit.

"Si satanas talaga nasa tabi-tabi..." Kaya ko nasabi yon, kasi, andito ako ngayon sa pantry nag nenet. Si brod, nanonood ng Ang Dating Daan sa tv, tapos may pumasok, sabi nung pumasok, "Uy si Soriano yan ah, diba nagtatago yan dahil may kaso?" Diko alam kung ano ang sinagot ni brod, pero i was definitely not satisfied kaya ako nakisabat. Inulit uli nung pumasok ang comment nya, "Nagtatago daw yan ah, may kaso kasi." Sabi ko, "Sir Goerex, hindi yon totoo. Pinalabas sa Case unclosed yon, hindi man lang chineck ni Arnold Clavio kung anong background nung nagsampa ng demanda. Napaka biased." Tigil sya agad eh. Kilala nya kasi ako. Sino ba ako? Isa lang naman akong aliping walang kabululhan. Salamat sa Dios at hindi kumulo ang dugo sa ulo ko.
-------


Hindi ko na alam ang iba pang sasabihin ko. Wala akong load, hindi ko pa nasesendan ng text ang mga kapatid, gusto ko sana sabihin, "Kapatid, hapi PBK po, salamat po sa pagliligtas nya sa atin. Humiling po tayo sa Ama. Pasensya na po kapatid kung nadulutan ko kayo ng sama ng loob, maliit man o malaki, patawad po. Hapi PBK po uli."

Pero, I'll try to send a Friendster greeting/comment for the PBK.
Just have to search for an appropriate picture to match. :)

Basta, PBK bukas, salamat sa lahat ng mga bagay. Sa mga biyaya, mga kapighatian, pag-iingat sa mga mahal ko sa buhay, pag-iingat sa mga kapatid at mangangaral, sa pagka-unawa, sa pag iingat ng Dios sa aking buhay, sa magaang trabaho na pinagkukunan ko ng pantustos sa mga material na pangangailangan, sa lakas, sa awa ng Dios, sa lahat-lahat. Maraming salamat po Ama, sa mga bagay na hindi ko na nalalamang gingagawa mo para sa ikabubuti ng mga lingkod mo. Sana po, maging kalugod-lugod ang pagpapasalamat naming ito.

To God be the Glory!

Posted at 09:10 pm by ajc4783
Make a comment  




Friday, September 25, 2009
Friends and Pride

I'm broke and the last thing i would do is to gamble my last 60 pesos to an unknown terrain.

Early this morning I received a text message that you were hospitalized the 2Xth. That time, I was out of town, I didn't have the priviledge of visiting you in the remote hospital of Paranaque Doctors. I got home last night, dragged my self to office to start my week after a few days of jetlog. Aftershift, after a few struggle with my self whether to-be or not to-be, I finally decided to search for that Paranaque Doctors. I asked two colleagues directions on how to get there. One lives at Paranaque BF Homes and the other one has access to google earth (but we only talked over the phone). Adding iritation to that, was the stupid barker who understood Paranaque Doctors as Paranaque Medical Citi, gave me wrong directions. Man, I got lost! I was tired, straight from shift without a blink of lunch nap and spent 3 hours between Sucat and Bicutan SLEX and back. Scared, I only have extra 20 bucks to get myself back at the apartment and I got lost! But nevertheless, I arrived at that forsaken hospital!

  • AJ: Walked straight to the elevator. Pressed [xth floor].
  • Elevatos stops. AJ Stepped out of the elevator at xth floor. Went out finding Room xxx.
  • Knocked on the door, twisted the knob and silently entered.
  • AJ: Uhm, ate, sino po ang pashente dito?
  • Yaya: Itong batang to.
  • AJ: Ah, ok po. Thank you.
  • Went straight out, trying to reach the Nurse's station with urgency. Asked the Nurse on Duty.
  • AJ: Kuya, kelan po na-discharge yung naunang pashente sa xxx?
  • Nurse: Anong last name?
  • AJ: Chenes.
  • Nurse: First name?
  • AJ: Chuva.
  • Nurse: Uhm, kaanu-ano mo sya?
  • AJ: Uhm, friend?
  • Nurse: Ay, ma'am, kahapon po, Sep 2x, 4PM.
  • AJ: Ok. Uhm, bakit sya nahospital?
  • Nurse: Uhm, diko po alam eksakto ma'am, pero nakalagay po dito, nahilo, nahimatay.
  • AJ: Ah. ok. Thank you.

I arrived the apartment only to see, you - healthily cooking pasta for yourself!!

We surprisingly looked at each other since none of us expected the two of us seeing each other. Me: Oh, bat andito ka?? You: Oh, you're here!!

But I really am not surprised why I didn't scream, "I was so worried!"

Because I am definitely not. I was scared. I am so drained. Tired. Thirsty. Scared I might be lost and without money to give my self a ride back home. Or maybe I was a bit worried you'd find out what I went through this afternoon.

Anyways, I guess, I was the sole reason why I was so iritated. I could have called you, and asked, "Hey, you still in the hospital? I coud... visit you... if... you're not... mad... anymore..."

So you could have told me, "No, I'm here shopping."

Geez! All the trouble. This puh-ride is getting the worst out of me. Again, it is really up to us, how we'll end our day.

Pfft~   

Now let me take a nap!

=)


Posted at 03:58 pm by ajc4783
Make a comment  




Monday, September 14, 2009
Oh Mafia Wars

"Doņa Constancia [RTF]", level 255 Fearless

Photobucket

Stats
Jobs Completed 6452
Job Assists 586
Most consecutive days doing jobs 56
Most jobs done in one day 122
Fights Won 16532
Fights Lost 4506
Fights Won in Cuba 12807
Death 116
Mobsters Iced 204
Mobsters Whacked 301
Hitlist Kills 105
Longest Hitlist Survival 02:00:00
Successful Heist 936
Times Robbed 199
Gifts sent 4758
Mega Casinos Sold 0
Wars Won 4
Wars Lost 0
Times Betrayed by Mafia 9
War Assists 22

Posted at 04:20 pm by ajc4783
Make a comment  




Tuesday, September 08, 2009
So, I won't say wait for me

"I'm never going to ask you to wait for me,
so, even without me,
you need to become a woman who can face anything alone."


I realized, this might be what he meant when he told me not to wait so many years ago.
I hope to get to the time when I can whole-heartedly say:

"I can no longer have anymore expectations
of those arms that held me, and those gentle hands."



Posted at 07:34 pm by ajc4783
Make a comment  




Thursday, September 03, 2009
Bagong Taylor... Mas Macho! *drools*

Nag-agree sa "Muka daw unggoy!"



Inggit ka lang sa abs! =P

Posted at 08:42 pm by ajc4783
Make a comment  




Sunday, August 30, 2009
The Lost Daughter of Rosario

I've been away from the Lokal for a year already.

And it seems like...

 

The elders...

 

Are dying.

 

Last week Br Boy C had a stroke. He was test-driving his L3 when suddenly something snapped in his head. He was able to send a text message to Sis Cyn for help. After two hours, Sis Cyn and a few others found Br Boy's van in Pacita 2. He's halfly paralyzed right now.

This afternoon I visited Sis Becky J. She's suffering from a very rare brain disease. Something's eating her brain cells. Doctors said, very rare the similar case was last seen twenty years ago. JB said, she can still walk and talk last tuesday. And today, sunday, just a few days after, all Sis Becky can do is umungol ang tumulala.

 

I'm feeling so down.

 


Posted at 06:09 pm by ajc4783
Make a comment  




Next Page

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

Brod Eli's Weblog
Truthcaster
Multilingual Bible

Fate - God's Love never fails
End of Days
Honey-A sweet treat!


Japipot - Papa's Dadding


Seabrook -Behind every great love is a great story.
Narutopedia - Sa mga tamad magbasa ng manga!
Peace of Mind-Philippians 4:7, Matthew 10:29, Romans 8:28
Heroes-Full list of Medal of Honor citations courtesy of the United States Army
HP Universe-Reveals plot details about the series. Read at your own risk!
Acq Nen-An associate is a person who is often in one's company, usually because of some work, enterprise, or pursuit in common.
A Dozen Wishes - from Paul Mascariņas

Picture Unauthorized
CamSur - Ansakit sa heart!!! (Cliff and Hiking Adventure)






How can you enjoy winning when you can't lose?
Jerry at Caramoan
Can't lose you...






"Its always worth the try. Bakit kailangan planuhin ang heart ache kung pwede namang agapan? Regardless of all the reasons, one thing will always matter, mahal mo pa ba?


Magsabi ka na. Para just in case magkaroon ng new partners, sya o ikaw, wala kang regrets."


 


That was me talking to myself. I have never felt so tempted like this. What date is today? May 13, 2009, Wednesday, 12:34AM. 


Aaaaaaaaaah!!!


Gusto na kitang i-email!!!


Dyan... Sa account na yan... Is this the sign I was waiting for...?


A hint that will imply you still have the hopes...


Probably. That's why I'm going crazy for the past days.


Made me so tempted to reach for you.


Tempted. Yes.


But i'll not.


Not because I've got pride, but because its hopeless. We're over, yet I'm still hoping. Now if this temptation is a sign from God telling me its already time to set all these thoughts free, set myself free, I'll still not, because this isn't the sign I was asking for.






 


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed